Minsan tinatanong ko na lang ang Diyos kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit ko pa nararanasan ang ganitong uri ng sakit. Sobra. Bakit pa kailangang humantong sa ganito ang lahat? Dati, tayo yun close, tayo lagi nag-uusap. Lagi tayo. Ngayon, hindi ko alam kung anong nangyari. Bakit? Bakit mo ipinakita at ipinaramdam sa akin noon na espesyal ako sa iyo kung wala ka naman palang balak talagang mahalin ako? Bakit kailangang mahalin pa kita ng ganito? Bakit kaya hinayaan ng Diyos na mahulog ang loob ko sayo tapos mangyayari pala ang lahat ng ito. Ito na yung kinatatakutan ko. Ang makita kang may kasamang iba. Ang makitang kang mas masaya sa piling ng iba. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sobra na. Minsan naiisip ko na sobrang dami ng sakit na pinagdaanan ng puso ko at di ko alam kung kaya pa nitong magmahal muli. Kung hindi naman pala kami ang para sa isa’t-isa, bakit pa pinaranas ni Lord yung mga bagay dati na sobrang nakapagpasaya din sakin? Bakit hinayaan Nyang mahalin ko ang taong inilaan Nya na pala sa iba? At hindi para sakin? Hindi ko na alam. Masakit na. Manhid na ko. Ano pa bang dapat kong madama sa mga panahong ito?
(Source: livewithlove)
-
thislovestoryisours posted this